5 TAGALOG HIP HOP SONG TITLES AND THEIR MEANINGS

1. Gayuma

Isa sa mga kanta ng rapper na si Abra.

Gayuma na ang ibig sabihin ay panghalina, pang-akit o alindog. Kadalasang ginagamit upang maakit at mapa-ibig ang isang taong walang pagtingin sayo (Aray). Ang panggayuma ay kadalasang hinahalo sa inumin o pagkain ng taong nais gayumahin.


2. Nadarang

Nadarang na ang ibig sabihin ay napaso o natuyo sa labis na init (apoy o sikat ng araw). Ito ay isa sa mga sikat na kanta ni Shanti Dope.

'Nadarang nanaman sa iyong apoy' na maaaring ang kahulugan ay 'Ako ay naaakit sayo', 'Nanghihina ako 'pag nandyan ka' o 'Gustong gusto kita'.


3. Alaala

Alaala na may pakahulugang memorya o gunita; Mga bagay na nakaimbak sa ating isipan na maaaring nais nating makalimutan o nais nating itago at balikan. Kantang pinauso ni Ron Henley.

4. Huwad

Huwad na ang ibig sabihin ay imitasyon, artipisyal, di-tunay, gaya, peke o hindi totoo (ang pagmamahal niya sa'yo). Inilabas ng Crazy As Pinoy noong 2005.

5. Kislap

Ang salitang 'Kislap' ay may kahulugang kinang, ningning o kintab.

'Makislap ang kanyang mga mata'
'Maningning ang kalangitan sa dami ng mga tala'

Kanta mula sa batikang rapper na si Gloc-9 kasama ang mangaawit na si Aiza Seguerra.
ON-AIR
08 : 22  PM
Tuesday 11 December 2018

Find everything you need to know about Wave89.1; From our DJs, shows music, news and entertainment and more

Subscribe to our newsletter and be part of our future contest
Clouds

29.0°C
December 11
Tuesday
Clear

27.9°C
December 12
Wednesday
Rain

26.4°C
December 13
Thursday